Search This Blog

Sunday, February 27, 2011

High End Gadgets

Lunes na naman at katapusan na naman ng Pebrero...

Parang kailan lang Pasko lang. Lumipas na si Three Kings, Nag valentines na rin ngunit heto pa rin ako...Umaasa, nangangarap na magkakaroon ako ng paborito kong gadgets...-Samsung Galaxy Tab.

Nobyembre ng makatanggap ako ng tawag mula sa PLDT, ipinakilala sakin na mayroon daw  offer ang PLDT na tablet. Dahil pangarap ko ngang magkaroon nito, dali dali akong nagbukas ng aking computer upang alamin ang hitsura ng tablet na yaon. Naengganyo ako kung kaya't napa-OO ako...."sige, sige....gusto ko yan"..."kailan ba yan idedeliver"...dali dali akong nagreport sa aking kapatid at matalik na kaibigan upang ipaalam na magkakaroon na ako ng Tablet....hehehe...

Lumipas ang December, na ipinangakong dadalhin sa bahay ang pangakong tablet.....Enero, Pebrero...subalit wala pa rin....hanggang lumabas ang Samsung Galaxy Tab. Naglaro ang isip ko at gumawa ng masusing pananaliksik kung ano ba ang mas mganda at swak sa aking pangangailangan..I am craving for high end gadgets..hehe...gusto ko bago, gusto ko latest...yun ako...sukdulang ipangutang ko ito...

Sa aking pagre-research, nakita ko ang importansya ng Samsung Galaxy Tab kumpara sa PLDT tablet sa madaming bagay...unang una na rito ang pagiging multi-tasking at ang mobile/cellphone capability nito na pwede kong gamitin pang tawag or text bukod sa promising speed nito....Inumpisahan kong pag-aralan naman kung papano ako makakabili nito...binilang at tinantya ang mga gastusin ko sa pang-araw-araw na buhay...Sapat naman pala ang pera ko....

Isang tawag ang aking natanggap mula sa aking nanay, mangutang daw ako ng pera sa aming opisina o kaya pahiramin ko raw ng pera ang aking kapatid upang makapag-umpisa ng business nila...

Hindi ko alam ngunit pagdating sa Pamilya ay sadyang malambot ang puso kung kaya't walang ano-ano at napapayag akong mag-loan....ibinigay ko sa kapatid ang nakuha ko....nalungkot ako ng bahagya sapagkat, nawalan na naman ako ng chance mabili ang Samsung Tab na pangarap ko....

Ngayon, mag-iipon na naman ako, ngunit kamakailan lang lumabas naman na ang SAMSUNG Galaxy Tab 10.2 na....haiz, upgraded na naman..hindi ko pa nga nabibili eh...sumablay agad..

Bakit kaya ganun.....