Search This Blog

Showing posts with label trabaho. Show all posts
Showing posts with label trabaho. Show all posts

Tuesday, August 17, 2010

Discrimination

Minsan sa buhay ng tao ay hindi nating maiiwasan ang tinatawag na disgusto. Ayaw ka ng tao kasi ganito ka, ganito sila at sa kanlang buhay na kinalalagyan, hindi ka nararapat.

Matagal na panahon kong inisip kung bakit may tinatawag na discrimination. Am I a victim of it or it was only due to chance. sa pakikipaglaro, madalas akong hindi isali ng mga kalaro ko sapagkat kung sasali ako at sasama sa isang grupo, asahan na raw ang pagkatalo ng grupo kung saan ako nabibilang sapagkat wala akong kakayahang maipagtanggol at maiangat ang grupo. Totoo at alam ko ang ganung sitwasyon. Lubos kong nauunawaan ang mga bagay na iyon. Ngayon, diskriminasyon bang masasabi ang ganong bagay?

Nang magtapos ako ng Sekondarya, naisip ng aking mga magulang na huminto na lamang sa pag-aaral sapagkat, it is not easy for me to go school without somebody to guide me, without somebody to accompany me in going back and forth to school. One thing is that, buildings of today or in college is composed of so many floors How can I go upstairs, lipat dun, lipat dyan. Hindi madali para sa aking ang ganitong tatahaking buhay sa kolehiyo....Diskriminasyon bang matatawag ang ganong pagkakataon na parang ang isang eskwelahan ay dinisenyo lamang para sa mga normal?

Sa aking determinasyon, ako ay nakapagtapos at sa loob ng apat na taon, nakulong ako sa bahay at apat na sulok ng paaralan  nang magtapos ako, nag umpisa na akong maghanap ng trabaho. ang paghahanap ng trabaho ay hindi naging madali para sa akin, noong unang buwan ay nariyan ang mga barkada kong lagi kong kasama sa pag-aaply. Taxi ang madalas sagot sa aming transportasyon. May mga pagkakataong ako lang ang may interbyu subalit nariyan sila upang samahan ako. Magastos sapagkat kailangang sumakay kami ng taxi. Di nagtagal at kanya-kanya silang nakahanap ng trabaho samantalang naiwan ako sa bahay. May mga tawag inbitasyon sa mga interbyu subalit, putol na ang kakayahan ko upang pumuntang mag-isa. wala akong mahingan ng tulong upang samahan ako. 

Lumipas ang mga araw at napag-isip kong, sa mundong ito walang mangyayari at di ko alam ang kalalabasan kung diko susubukan, paunti-unti ay sinikap kong sumakay ng jeep ng mag-isa. Lumipas ang mga araw, napansin ko na lamang ang aking sarili na nasa loob ng isang opisina upang sumalang sa screening, interview exam at kung ano pa. Isang buwan ang lumipas, napagod ako sa pag-aaply sa wala. Hindi ko alam kung wala ba talaga akong kakayahan pang maipagmamalaki, kulang pa ba ang apat na taon ko sa paaralan?

Isang bangko ang inapalyan ko, RCBC..pinapunta ako para sa isang interbyu. Pinaunlakan ko ang nasabing interbyu..Pinabalik ako para sa exam...Sa huli ay nalaman ko na lamang n hindi ako tinanggap sapagkat ako daw ay may kapansanan and they would be thinking that I can not be an asset in the company but a liability. Sa aking sariling pananaw, hindi ko alam kung ipinagtatanggol ko lamang ang aking sarili, dapat sana sa interbyu pa lamang sinabi na hindi ako maaring tanggapin dahil sa aking kalagayan, hindi na sana umabot sa puntong pinapunta ako upang mag-exam. Tatanggapin ko pang dahilan ang sabihin hindi ako nakapasa sa interbyu at exam wag lang sabihing, hindi ko kakayanin ang posisyon dahil sa aking kapansanan. Nakapanlulumong karanasa subalit wala akong karapatang magreklamo. nagsawalang kibo ako, nanatili sa bahay.

Nang matanggap ako sa isang kumpanya, nag-uusap kami ng kasabayan kong empleyado. Nagpustahan kami kung sino sa mga aplikanteng nakapila ang malaki ang tsansang matanggap. Sabi ko, yung maganda at gwapo.....sa huli, tumama ang pusta namin....

Diskriminasyon.

Employment

The problem regarding the unemployment, underemployment is one among the hot issues of today's generation. Yearly, thousands and thousands of indivuduals are graduationg.

For those who can't afford, they were very much eager to find job the soonest possible time after graduation. Sagot ng mga nagdaang administrasyon at maging nga kasalukuyang administrasyon ay ang pagdaragdag ng trabaho.

It is good and it is beneficial to have more job opportunities so that the graduate can easilty find the job they were looking for and suited to their area of specialization.

In my own opinion, thousands of jobs and vacancies are posted sa jobstreet.com, jobsdb,com, job88DB etc. The only probem na nakikita ko dito is the high standard of qualifications na hinahanap ng mga kumpanya. Hinahanap ng kumpanya ang pinakamagaling at mahusay and they will based it sa exams and interviews. Sa ganyang paraan, kakaunti lamang ang nakakapasok. Sa aking pag-analisa, hindi masasabi ng isang exam at interview ang isang mabuting empleyado. Hindi ibig sabihin na bumagsak ka sa isang exam o di kaya ay interbyu ay hindi ka na magiging mabuting empleyado. Lahat ng job o trabaho ay madaling pag-aralan lalo na kung ito ang linyang kinuha sa kolehiyo. Maaaring sa umpisa ay mangangapa ito subalit darating ang oras na masasabi nyang siya ay bihasa na sa kanyang trabaho.

May mga kumpanyang naglalagay ng adbertismo at sa ads na iyon mababasa ang katagang, "must have at least 3 or more years of experience", "knowledgeable in.."..tapos may pahabol, "newly graduate are encouraged to apply". how come a newly graduate can have that 3 years minimum requirement if they were not given a chance to be part of the company. May mga kumpanaya rin naghahanap ng empleyado, halimbawa, "statistician"....sa pagiging statisitician hinahanp nila ang 3 years experience, must  be graduate from ateneo, ust, lasalle, etc..dapat must be good in programming.....sa ating edukasyon, it is not common na kurso ng statistician at hahaluan ng programming...sa ganitong pagkakataon, magtapos man ng statistics ang isang applicant, mayroon mang 3 taong karanansan, kung wala naman siyang alam sa programming, or di kaya experience sa semiconductors company, experience sa manufacturing, sa finance...magiging walang bearing ang pagiging statistician at pagkakaroon ng tatlong taong karanasa.