Year in, year out. Every year, hindi lumilipas ang pasko na hindi ko kasama ang buong pamilya. Bagama't ang karamihan sa aking mga kapatid ay may kanya-kanya ng pamilya, we see to it that during christmas and new year ay magkakasama kami. Sabay-sabay naming sinasalubong ang pagsilang ni HESUKRISTO. Ganundin naman ang pagpapalit ng taon. Masaya at walang kasing ligaya ang ganong sitwasyon. Simbulo ito ng isang payak at simpleng buhay ng pamilya and I'm so blessed for having a family na mas pinahahalagahan ang magkakasama-sama kami
Before end of 2010, I just wish na sana magkaroon ng kulay ang Paskong darating. Unang buwan palang sa taong ito ng 2010, wala akong wish kundi ang magkaroon ng masayang pasko. I did not expect, but it happened. Bago matapos ang taon, madaming pangyayari ang naganap na nagbigay kahulugan sa aking buhay. Kung bakit ako naririto sa mundong ibabaw. At bago nga matapos ang taon, may mga indibidwal na nakilala ako at naging bahagi ng makulay kong 2010.
Hindi ko malubos maisip kung bakit ang isang totally strangers na mga kaibigan ay makikilala ko...I am really thankful at nakilala ko sila sa mga huling araw ng taong 2010. Sila ay isang malaking instrumento ng isang masaya at makulay kong pasko. Dito ko na-realize, oo nga't masaya ang makapiling ang pamilya sa tulad ng pasko, ay iba rin naman ang kaligayahang makasama mo ang mga kaibigan, kabarkada, katropa, o maging kapartner sa buhay o ang iyong minamahal. Mabigyan ng pagkakataong makilala ang pamilya ng ibang kaibigan ay anong saya. Somehow, nakakarelate ka at hindi mo iisiping nasa ibang tahanan ka sapagkat ang uri ng pamilyang iyong pinuntahan at walang itulak kabigin sa sa sarili mong pamilya. Kumbaga, parang nagkaroon lang ako ng pangalawang magulang at pamilya.
The space of this note is not enough, the letters in the alphabet is also not enough to describe the happiness I felt the time na kasama ko silang lahat. Bagamat, kauna-unahang mag celebrate ng pasko na iba ang kapiling, ay equally fulfilling naman...
With you guys, many thanks. alam nyo na kung sino-sino kayo. I am so very happy that I met you guys. I love you and I am looking forward for more days of camaraderie and fruitful 2011.