Ipinasya kong tagalugin ang aking mga sasabihin para sa mas malinis at malinaw na pagsasaad ng aking mga hinaing, ng aking nasasaloob.
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang katangian, kanya-kanyang kakayahan at kanya-kanyang kahinaan. Marami sa atin ang mataas ang ere na tila baga napaka-taas ng kanyang paghanga at pagpapahalaga sa kanyang sarili.
Bago ako natanggap sa trabahong aking nakuha, madaming uri po ng Diskriminasyon ang aking naranasan dahil lamang sa ako po ay hindi nakakalakad. Walang araw na lumipas at pilit kong tinatanong ang Panginoon kung bakit ako nagkaroon ng kapansanan. Isang kapansanan na nagiging dahilan lamang rin naman kung bakit hindi ako makapag-trabaho. Sa industriya ng paggawa, kinakailangan na ang isang empleyedo ay maganda/gwapo, at normal pampisikal. Sa ngayon, hindi na tinitimbang ng LAHAT halos ng kumpanya ang kakayahan, kwalidad ng isang applikante. Mahalaga sa mga kumpanya na ang aplikante ay may hitsura at normal hindi bale nang madami naman itong bagsak sa kanyang mga grado noong siya ay nag-aaral pa lamang. Ang ganitong uri ng praktis ay nagbubulid lamang sa pagbagsak ng isang kumpanya.
This is important please read:
I have a friend na hindi po nakatapos ng pag-aaral sa sekondarya. Sa batang gulang, nawalan ng INA na sana'y gagabay sa kanyang paglaki at pagbibinata. Naging mahirap ang kanyang paglaki sapagkat wala naman silang tirahan sa Maynila. Upang mabuhay, nagtinda siya ng kung ano-ano sa lansangan tulad ng Sampaguita. Roxas Boulevard ang kanyang destinasyon.
May hitsura at gwapo sya, kung kaya't hindi maiwasan kapag siya ay nagtitinda sa lansangan, may napapalingon. May pagkakataon pang may gustong umampon sa kanya. May mga matatandang babae ang nagkakagusto at gusto siyang palakihin at ibahay, may mga bakla na may intensyong siya ay ibahay at pag-aralin sa ibang bansa. May iba na gusto syang gamitin kapalit ng salapi, SUBALIT, naging matatag ang aking kaibigan at nagpatuloy sa kanyang buhay sa pagtitinda.
Upang makapag-trabaho sa mga kilalang Boutique tulad ng Girbaud, Tribal, Rider, Adidas, etc, nagawa po niyang baguhin ang edad sa kanyang resume upang sya ay matanggap. At hindi sya nagkamali. Naging maganda naman po ang kanyang serbisyo at paglilingkod sa mga nasabing Boutique. Dumating ang oras at pinayuhan ko syang itama ang kanyang edad sa tuwing mag-aapply, subalit nagkamali pa yata ako ng payo. Mula noon hindi na sya natatanggap sa kabila ng kanyang batang pagmumukha. Opo, bata po siyang tingnan sa kanyang edad (32). Tinulungan ko syang magtapos ng High School, subalit hindi sapat sapagkat, kailangan ng mga kumpanya ngayon ng ibang boutique na ang edad ng mga applikante at 25 pababa.
Nakakalungkot lamang isipin na kapag sumapit ang edad ng 26 pataas, pahirapan na ang pag-aapply. Kulang na lamang sana MAMATAY na lang ang mga nasa edad 26 pataas na walang trabaho. Hindi ko alam kung papano papayuhan ang aking kaibigan, subalit Nature na po natin siguro ang mataas na level ng Diskriminasyon.
Kung meron po sa inyo na trabaho na pwedeng pasukan ng aking kaibigan kahit JANITOR, o di kaya ay sales clerk sa mga boutique na nasa mall. Malaking tulong po sana ito sa kanya upang makapagtrabaho at makapag-aral.