I still remember when I was a child. I have so many dreams and aspirations in life. Sa batang gulang ay pinangarap ko ang matatayog na ambisyon sa buhay - maging isang mayaman.
Salat sa karangyaan, sakdal daming pangangailangan ang natutulak sa akin upang mag-ambisyong yumaman. Nakakainggit pagmasdan ang mga batang naglalaro sa kalsada, madaming laruan, my bisikletang maliit, o kaya ay kotseng laruan, maya't mayang pagkain ng chichiria. Tila ako'y natatakam sa ganitong uri ng aking mga nakikita.
Lumipas ang panahon at tumuntong ako ng elementarya, excited ako sa aking unang araw. Masaya sa pakiramdam na makita ang sarili sa loob ng paaralan.
Inihatid ako ng aking tatay sa loob ng room ng aking nanay. Grade six public school teacher and aking inay ng panahong iyon. Sa room na yun, hihintayin ko ang flag raising ceremony. Hihintayin ang paglilinis ng ginagawa ng mga mag-aaral sa harapan ng kanilang rooms at maging sa likuran. Bago kasi mag-umpisa ang unang aralin ay naglilinis muna ang mga bata sa loob ng kani-kanilang room, sa likod at sa harap nito upang pagdating ng unang lesson ay malinis ang kapaligiran.
Kapag mag-uumpisa na ang unang lesson, inihahatid na ako ng aking inay sa room ng grade 1. Mula sa kanyang room ay nakakapit ako sa kanyang likuran habang palakad sa aking room. Doon ay iniiwan na ako hanggang sa tanghaling uwian. Pagdating naman ng reses, dadalhan ako ng aking inay ng isang citrus, o di kaya ay banana que, o di kaya'y sopas. Depende sa aming kantin kung anong tinda at kung anong mura. Madalas ay citruso dalandan ang reses ko at kuntento na ako dun. Minsan naman wala akong reses pero okay naman sakin yun...walang problema.
Pagsapit ng alas-dose, maririnig ko naman ang motor ng aking tatay na susundo naman sa amin pauwi ng bahay. Pagdating sa bahay ay manananghalian na kami. Mamamahinga at makikinig ng radyo ng mga 30 minutos...Naalala ko DZRH pa ang pinakikinggan namin. Programa tulad ng "ito ang inyong tiya delly", "Kapitan pinoy" at iba pang palabas pang-radyo.
Pagkatapos nuon ay maghahanda uli sa pagpasok. After lunch, diretso na akong hinahatid ng aking itay sa aking room at don ay iniiwan na. susunduin na lamang ako sa hapon.
Payapang buhay. simpleng simple ang unang pagtuntong ko sa paaralan....