Nakapagpapakulo ng dugo ang isang umagang mababasa mo sa mga nangungunang pahayagan at ibang social networks ang pagkamatay ng isang indibidwal dahil sa pagsali sa isang fraternity.
I remember when I was in College, I have friends and classmates who joined the fraternity. Lucky they were kasi they survived and surpassed the trial that they encountered. Nagulat ako one day kasi nakita ko at pinakita sa akin ang epekto ng pamamalo sa kanila during the hazing. tila ito nalalayo sa kulay ng talong na ipiniriot, me pagkakulubot na tila kulay ube na parang nilamutak ang balat. Sa katawan ng isang lalaking patpatin at mahina ang neutralesa, iisipin mo talagang napakaliit ng tsansang mabuhay o malampasan ang hazing.
Ang hazing ay hindi na bago sa isang fraternity. Ito ay tradisyong ipinatutupad ng samahan sa bawat indibidwal na nagnanais na sumali sa grupo. Para itong isang batas, order, code na kailang ipatupad sa lahat ng nag nanais na lumahok o sumali sa kanilang organisasyon. Hindi magiging madali ang pag-uutos na tanggalin ito sa fraternity. Ang ating bansa, halimbawa na lamang, sagana tayo sa iba't ibang uri ng batas, panukala, o ordinansa, subalit nagkakaroon ng mga suliranin sa pagpapatupad ng mga ito. May mga pinuno kasi na walang magawa kundi ang gawin ang sa kanya ay makabubuti instead sa kapakanan ng nakararami. tandaan natin na ang ating mga batas ay nilikha at ipinasa para lamang sa kabutihan ng mas nakararami kaysa ng iilan. gaya ng nabanggit, nagkakaroon lamang problema sa pagpapatupad ng mga ito sapagkat ibang ang pamamalakad ng ilang kawani.
Tulad sa isang fraternity, may mga code of ethics, order, or any codes din ang mga ito na kailangang tupdin at ipatupad sa kanilang samahan. Ang mga ito ay nilikha rin naman para sa mas nakararami. Nagkakaroon lang problema kung ang pinuno ng bawat chapter ay isang indibidwal na walang nasa isip kundi ang iparating na siya ay makapangyarihan, siya ay pinuno. Makasarili ang ganitong pinuno. Kapag ang isang indibidwal ay sumali sa isang fraternity na ang namumuno ay halang at taliwas ang pag-iisip at hindi sumusunod sa mga codes or order of the organization, nagiging sanhi ito ng pagkakaroon ng krimen-ang pagpatay.
The question here is that...sa mga magulang...Dumating na ba sa punto na tinanong ninyo ang inyong sarili bakit kaya napasali sa isang fraternity ang inyong mga anak. Hindi kaya nararapat lamang na busisihin ninyo kahit minsan kung anong uri ng pamilya ang pinatatakbo ninyo. Sa inyo bang tahanan namamahay ang isang masayang samahan ng pamilya, nagmamahalan at nagdadamayan. Hindi natin maiaalis na hindi kaya sumali ang inyong mga anak sa fraternity dahil naghahanap ito ng kalinga, ng kausap, ng pamilyang makakramay sa tuwing sila ay may suliraning dinadala pampersonal man o hindi. At ang tanging naisip upang punan ang kawalang kanyang nararanasan ay ang paglahok sa isang fraternity.
Sa isa namang fraternity, isipin sana natin na tayo ay walang karapatang kumitil ng buhay ng ibang nilalang. tanging ang nasa Itaas lamang ang may karapatang bumawi nito. Kung may mga sinusunod tayong alituntunin, sana naman ito ay napapaloob sa codes na inyong ipinatutupad at huwag lumampas pa upag hindi ito makapagdulot ng panibagong suliranin.