Let there be peace, love, understanding and patience.
Sunod-sunod na ang mga nangyayari sa daigdig, ang mga pangyayaring ito na ba ang hudyat ng mga kagaganapang sinasalarawan sa pelikulang 2012?
Ang hindi matapos na kaguluhan sa Mindanao, ang panaka-nakang paglindol sa ating bansa na bagamat may kaninaan ay hindi parin dapat ipagkampante, ang pagpapababa sa tungkulin sa ating dating pangulong Estrada, ang mga kasong kinakaharap ng mga matataas na opisyal sa ating gobyerno na sila mismong tagapag-patupad ng tungkulin ay nakasalang sa isang paglilitis, mga kaso sa AFP, ombudsman, at kung sino-sino pa sa sangay ng ating gobyerno.
Kamakailan, nagulat ang buong sambayanan sa bagyong ondoy sa Pilipinas na nagbigay ng isang malaking pinsala sa buong bansa.
Nagulat din ang bansa sa bagyong sumalanta sa CHRISTCHURCH na pagkalipas ng ilang araw ay ginulantang ng malakas na lindol na sumira ng malaking kabuhayan at ari-arian sa mga naroroon. Ang pagpapababa sa tungkulin sa kinikilalalang lider ng EGYPT na s Mubarak, sinundan ng pagpapababa rin sa lider ng LIBYA na si Ghadafy, ngayon umuusbong ang kaguluhan sa Saudi Arabia, sa Yemen. Nitong nakaraang linggo lamang ay nagulat ang bayan sa lindol na naganap sa Japan namay 7.2 intensity, kahapon ay naulit sa intensity 8.9, kagabi na bagamat aftershocks 6.+ ay malakas pa rin sa ordinaryong lindol.
Nakakabahala
Nakakatakot
Sa mga ganitong sitwasyon at pangyayari, kataka-takang tayo mismo ay walang magawa upang ipagtanggol ang ating bansa sa mga ganitong pangyayari. Balewala pala ang mga makabagong kagamitan upang ipagtanggol ang bansa sa mga kalamidad na tulad nito, sa mga labanang tulad ng mga nagaganap sa ibang bansa.
Isa lang ang ibig sabihin nito, kapag tayo na ang Sinisingil ng Nasa Itaas, wala tayong laban. Wala tayong magagawa kundi hintayin ang Kanyang PAGPAPASYA, ang kanyang desisyon kung tayo ba ay nararapat ng maglaho sa mundo.
Sana mabigyan natin ng puwang sa ating mga puso ang pagpapatawad, ang pagmamahalan, pang-unawa at pagmamahal sa kapwa. Walang mataas sa atin, walang mababa. Lahat tayo ay hawak ng NASA ITAAS, Siya lamang ang may karapatan sa atin. Kapag naisagawa ito ng taos puso, bukal sa dibdib, baka-sakali.....baka sakali muli tayong bigyan ng pag-asa. Bigyan pa ng isang masayang buhay.