Minsan sinasabing ang Pangarap ay mananatiling pangarap na lamang, subalit marami rin namang nagsasabi na ang pangarap kapag patuloy mong pinapangarap ay pasasaan ba't matutupad rin.
Nang napakinggan ko ang awitin ni ANGELINE QUINTO, habang ako ay nakatutok sa aking kompyuter, ako napatingin sa TV at doon ko nakita ang makabagong anyo ni Regine Velasquez. Maganda ang tunog ng kantang inawit ni ANGELINE, ngunit magkagayun man, hindi parin pumasok sa isip ko na intindihin ang kahulugan at liriko nito.
Hanggang dalawang araw ang lumipas, nagkalat sa FB ang mga congratulatory messages para kay Angeline. Madaming nagsasabing maganda daw ang meaning nito. At doon ko inumpisahang bahahin ang liriko nito at intindihin.
Tulad ni ANGELINE, ako ay nangarap.
Sinikap abutin ang mga pangarap.
Mahirap, magulo, masalimuot ang mga pangyayaring naganap sa akin/aming buhay ng aking pamilya, ngunit nanatili akong matatag. Lalo akong nagsumikap, ginawa ang lahat ng mga magagawa sa buhay upang kahit papano maibsan ang mga kawalan ko sa buhay.
Madaming beses akong nadapa, at patuloy na ibinabagsak ng pagkakataon, ng panahon. To the point na halos mawalan na ako ng tiwala at pag asa sa sarili.
Nagising na lamang ako isang araw na hawak ang libro at ballpen sa loob ng isang Unibersidad. Bitbit ang pangarap na maiahon ang aking mga magulang sa kumunoy ng kahirapan at nagtiyaga ako sa loob ng apat na taon. Nagsikap akong abutin ang aking mga pangarap. Mga pangarap na minsa'y tinakpan ng makapal na ulap.
Walang pagsidlan ang kaligayahang nadama ko nung umakyat ako sa entablado. Hindi ako makapaniwalang aakyat ako sa isang mataas na entablado habang ang mga kasabayan kong magsisipagtapos ay lubhang napahanga pagkakita sa akin. Hindi ko akalaing daig ko pa si Charice Pempengco na standing ovation lahat ng mga nanonood. Mga magulang, mga pinuno ng paaralan, mga kapwa mag-aaral. Pag-akyat ng entablado ay isa-isang nagtayuhan ang mga naroroon sa loob ng apat ng sulok ng tanghalan sabay ang sunod-sunod na palakpakan. Muntik akong maiyak sa tuwa at galak.
Dumating sa punto na paghahanap naman ng trabaho ang aking hinarap. Walang araw akong pinalampas, walang oras ang dumaan na hindi ko inasam na mag ta-trabaho na ako at makakatulong na.....Really life is not that easy, is not a pure bliss..
Sa paghahanap ng trabaho, doon ko naramdaman muli ang panibagong pagsubok ng buhay. Hirap akong puntahan at paunlakan ang mga trabaho dahil sa aking kalagayan. Sadyang mahirap ngunit, sinikap kong gawin parin ang makakaya ko. Naalala ko tuloy ang tatlo kong barkada...Sila ang kasa-kasama ko tuwing ako ay tinatawagan for interview. Sila ang naghahatid sa akin kung saan lugar man ako papuntahin. Sila ang gabay ko. Wala man silang interview, ay sumasama sila sa akin. Doon ko nakita ang wagas naming pagkakaibigan. Dumating ang araw na kapwa nagsisipagtrabaho na sila. At totoo ngang kapag wala na ang tao sa tabi mo, doon mo lang nakikita kung gano sila kahalaga sayo.
Tumigil ang mundo ko na tila baga katapusan na ng kakayahan ko. Katapusan na ng aking kalakasan at dito na nagtatapos ang lahat ng magagawa ko. Tumigil ako sa bahay. Tumambay....naging 100 percent palamunin ako sa bahay. Sa paglipas ng mga araw, hindi sapat ang pag-iyak upang ilabas ang sama ng loob ko sa aking sarili...Bakit ako ganito, bakit ako ganito.bakit sa akin ibinigay. Sa tulad ko pang maralita....papano na ako ngayon..
Isang araw, isang tawag ang aking natanggap at pinaunlakan ko ang tawag na iyon. Muli ay nabuhayan ako ng loob. Nagpunta ako sa opisina at diko akalaing ito na pala ang una kong trabaho...
Lumipas pa ang ilang buwan at may isang kumpanya ang tumawag sa akin. Isang job offer na aking pinaunlakan. Nagtungo ako at umuwi ng bahay na bitbit ang isang positibong pagtanggap.Dito ay lumipat ako.
Sa aking naging karanasan, madami ang nakaalam ng aking buhay at pakikipagsapalaran. Naging daan ito upang maisulat sa isang malaking pahayagan ang aking buhay pakikipagsapalaran sa career...thanks to PHILIPPINE DAILY INQUIRER. Ang pagsulat na ito ay nadagdagan pa. Nagulat na lang ako ng tinawagan ako ng isang consultant upang ipaalam na isinadula din pala ang ilang bahagi ng aking pakikipagsapalaran sa isang istasyon sa Radyo - DZRH...
Ngayon at magpakailanman....dadalhin ko ang aking pangarap. Patuloy akong mangangarap. Patuloy kong gagawin ang lahat upang ipakita sa mundo na kaya kong abutin ang lahat ng aking pangarap.