Search This Blog

Showing posts with label kahirapan. Show all posts
Showing posts with label kahirapan. Show all posts

Tuesday, August 17, 2010

Kahirapan at ang pagsusulong ng K-12 Education System

Ang mga usapan isyu ng pagdadagdag sa ating edukasyon ay isang issue that needs a careful assessment before deciding to an actual implementation. There are so many point to talk and discuss about.

Hindi lingid sa atin na sobrang mahal na ang pag-aaral. Madami at dumarami ang mga school youth natin sa bansa gawa ng walang sapat na salapi upang mapag-aral ang mga bata. Sa ganitong sitwasyon, madaming mga bata na sa kanilang musmos na gulang makikita mo ang ilang namumulot ng basura, may ilang nakatutok sa ilong ang nguso ng bote o plastik na may lamang rugby, may ilang sa batang gulang ay namumulot ng basura at ibinebenta ito. Malungkot at nakakaiyak at nakakapagpabagabag mapagmasdan ang mga musmos tuwang tuwa nang nakakahawak ng 5 piso dahil sa pagbebenta ng bote, basura at kung anu-ano pa.

May mga ilan, lalo na ang mga kababaihan ang napipilitang mag GRO, mag dancer, sumayaw sa club, magbenta ng puri at kaluluwa kapalit ng isang gabi ay perang mapagsasaluhan ng kanilang pamilya. Ngayon, mayroon na ring tinatawag na callboy na mga lalaking nagbebenta ng panandalian aliw. Sa ganitong sitwasyon, may mga businessmen na nagtatayo ng mga kumpanyang sa panlabas ay matino subalit pugad ng kalaswaan at bentahan ng laman. Mga aplikante sa ganitong uri ng kumpanya ay ang mahihirap nating kababayan.
Hindi natin maitatago na isa ang kahirapan sa ugat ng problema ng bansa.

Sa pagdaragdag ng taon sa ating edukasyon, unang tututol ang mga magulang at indibidwal na nagpapaaral ng kanilang mga anak, kapatid, o ampon. Para sa kanila, this will add to their burden and they can't able to shoulder another years to sent their scholars in schools that instead to graduate soon is madadagdagan ang ilalagi nito sa paaralan. Habang ito dadagdagan, mag0iisip sila kung saan pa kukuha ng pang-matrikula. 

Sa panahon natin ngayon, mahal ang edukasyon, mas mahal pang maituturing ang kindergarten hanggang tumuntong ito sa elementarya. Hindi biro ang magpa-aral sa ngayon. Sa nabanngit na mga pagkakataon, kinakailangan ang masusi at wastong pagdedesisyon.


Saturday, August 14, 2010

Ala-alang Nagbabalik - part 1

I still remember when I was a child. I have so many dreams and aspirations in life. Sa batang gulang ay pinangarap ko ang matatayog na ambisyon sa buhay - maging isang mayaman. 

Salat sa karangyaan, sakdal daming pangangailangan ang natutulak sa akin upang mag-ambisyong yumaman. Nakakainggit pagmasdan ang mga batang naglalaro sa kalsada, madaming laruan, my bisikletang maliit, o kaya ay kotseng laruan, maya't mayang pagkain ng chichiria. Tila ako'y natatakam sa ganitong uri ng aking mga nakikita.

Lumipas ang panahon at tumuntong ako ng elementarya, excited ako sa aking unang araw. Masaya sa pakiramdam na makita ang sarili sa loob ng paaralan. 

Inihatid ako ng aking tatay sa loob ng room ng aking nanay. Grade six public school teacher and aking inay ng panahong iyon. Sa room na yun, hihintayin ko ang flag raising ceremony. Hihintayin ang paglilinis ng ginagawa ng mga mag-aaral sa harapan ng kanilang rooms at maging sa likuran. Bago kasi mag-umpisa ang unang aralin ay naglilinis muna ang mga bata sa loob ng kani-kanilang room, sa likod at sa harap nito upang pagdating ng unang lesson ay malinis ang kapaligiran.

Kapag mag-uumpisa na ang unang lesson, inihahatid na ako ng aking inay sa room ng grade 1. Mula sa kanyang room ay nakakapit ako sa kanyang likuran habang palakad sa aking room. Doon ay iniiwan na ako hanggang sa tanghaling uwian. Pagdating naman ng reses, dadalhan ako ng aking inay ng isang citrus, o di kaya ay banana que, o di kaya'y sopas. Depende sa aming kantin kung anong tinda at kung anong mura. Madalas ay citruso dalandan ang reses ko at kuntento na ako dun. Minsan naman wala akong reses pero okay naman sakin yun...walang problema.

Pagsapit ng alas-dose, maririnig ko naman ang motor ng aking tatay na susundo naman sa amin pauwi ng bahay. Pagdating sa bahay ay manananghalian na kami. Mamamahinga at makikinig ng radyo ng mga 30 minutos...Naalala ko DZRH pa ang pinakikinggan namin. Programa tulad ng "ito ang inyong tiya delly", "Kapitan pinoy" at iba pang palabas pang-radyo.

Pagkatapos nuon ay maghahanda  uli sa pagpasok. After lunch, diretso na akong hinahatid ng aking itay sa aking room at don ay iniiwan na. susunduin na lamang ako sa hapon.

Payapang buhay. simpleng simple ang unang pagtuntong ko sa paaralan....