Search This Blog

Showing posts with label discriminations. Show all posts
Showing posts with label discriminations. Show all posts

Friday, October 14, 2011

I want to know what life is

There are so many stories from different individuals who were not known to many.

Here, I want to tell you a true to life story in which you will be enlighten and somehow will give you an inspiration and you might say, "I am lucky"....A true to life to ponder.

I have a friend and lets call him, Hero. Hero is a native from a far away province of Bicol. He was born by a poor family in that province. At his young age, he learned to work for their daily living. His young body were already been exposed to a work like   pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.

His grandparents were so strict na sa sobrang pagka-istrikto ay takot ang laman ng kanyang dibdib. Takot na makagawa ng even a small errors for there is a punishment that awaits for him.

His life bacame so terrible when his mother died. Gumuho ang kanyang mga pangarap sapagkat nawalan siya ng isang ina na pinanghuhugutan niya ng lakas loob. Lakas ng loob upang magpatuloy sa buhay at magsumikap para sa kanyang pamilya at sa kanyang sarili. Lalong naging malupit sa kanya ang tadhana. Lalong naging malupit sa kanya ang kanyang kaanak.

He is enrolled in a formal school, but due to voluminous amount of work given to him everyday, wala na siyang oras para mag-aral ng kanyang mga aralin. Madalas, he came to school ng huli. And when at home, inaabot na siya ng madaling araw bago makapag-pahinga so he has really no time for schooling.

One day, he decided to leave the house. Naglayas at nakarating sa Maynila. Sa lungsod na ito, naranasan niya ang iba't ibang uri ng pakikipagsapalaran. Tumira at matulog sa kalye. Datnan at panawan ng liwanag sa Roxas, Boulevard. Naging pulubi at tila namamalimos ang kanyang pang-araw-araw na buhay.

The young Hero, made everything in order for him to survive. He sells sampaguita sa Roxas, Boulevard. Marami pa naman ang taong may mabubuting puso na sa awa sa kanya, madalas binibili na lahat ng kanyang panindang Sampaguita. According to him, he already met different people who sometimes, offer him to adopt. Hero is a handsome man and has an appeal. Madaming nagkakagusto sa kanya and minsan hindi maiiwasang may makakilala siyang matatandang babae, bakla na nagbibigay sa kanya ng mga motibo na ampunin o di kaya ay alagaan for a change, but the young boy remain humble and choose to live alone at the roxas boulevard.

to be  continue.....

Tuesday, August 17, 2010

Discrimination

Minsan sa buhay ng tao ay hindi nating maiiwasan ang tinatawag na disgusto. Ayaw ka ng tao kasi ganito ka, ganito sila at sa kanlang buhay na kinalalagyan, hindi ka nararapat.

Matagal na panahon kong inisip kung bakit may tinatawag na discrimination. Am I a victim of it or it was only due to chance. sa pakikipaglaro, madalas akong hindi isali ng mga kalaro ko sapagkat kung sasali ako at sasama sa isang grupo, asahan na raw ang pagkatalo ng grupo kung saan ako nabibilang sapagkat wala akong kakayahang maipagtanggol at maiangat ang grupo. Totoo at alam ko ang ganung sitwasyon. Lubos kong nauunawaan ang mga bagay na iyon. Ngayon, diskriminasyon bang masasabi ang ganong bagay?

Nang magtapos ako ng Sekondarya, naisip ng aking mga magulang na huminto na lamang sa pag-aaral sapagkat, it is not easy for me to go school without somebody to guide me, without somebody to accompany me in going back and forth to school. One thing is that, buildings of today or in college is composed of so many floors How can I go upstairs, lipat dun, lipat dyan. Hindi madali para sa aking ang ganitong tatahaking buhay sa kolehiyo....Diskriminasyon bang matatawag ang ganong pagkakataon na parang ang isang eskwelahan ay dinisenyo lamang para sa mga normal?

Sa aking determinasyon, ako ay nakapagtapos at sa loob ng apat na taon, nakulong ako sa bahay at apat na sulok ng paaralan  nang magtapos ako, nag umpisa na akong maghanap ng trabaho. ang paghahanap ng trabaho ay hindi naging madali para sa akin, noong unang buwan ay nariyan ang mga barkada kong lagi kong kasama sa pag-aaply. Taxi ang madalas sagot sa aming transportasyon. May mga pagkakataong ako lang ang may interbyu subalit nariyan sila upang samahan ako. Magastos sapagkat kailangang sumakay kami ng taxi. Di nagtagal at kanya-kanya silang nakahanap ng trabaho samantalang naiwan ako sa bahay. May mga tawag inbitasyon sa mga interbyu subalit, putol na ang kakayahan ko upang pumuntang mag-isa. wala akong mahingan ng tulong upang samahan ako. 

Lumipas ang mga araw at napag-isip kong, sa mundong ito walang mangyayari at di ko alam ang kalalabasan kung diko susubukan, paunti-unti ay sinikap kong sumakay ng jeep ng mag-isa. Lumipas ang mga araw, napansin ko na lamang ang aking sarili na nasa loob ng isang opisina upang sumalang sa screening, interview exam at kung ano pa. Isang buwan ang lumipas, napagod ako sa pag-aaply sa wala. Hindi ko alam kung wala ba talaga akong kakayahan pang maipagmamalaki, kulang pa ba ang apat na taon ko sa paaralan?

Isang bangko ang inapalyan ko, RCBC..pinapunta ako para sa isang interbyu. Pinaunlakan ko ang nasabing interbyu..Pinabalik ako para sa exam...Sa huli ay nalaman ko na lamang n hindi ako tinanggap sapagkat ako daw ay may kapansanan and they would be thinking that I can not be an asset in the company but a liability. Sa aking sariling pananaw, hindi ko alam kung ipinagtatanggol ko lamang ang aking sarili, dapat sana sa interbyu pa lamang sinabi na hindi ako maaring tanggapin dahil sa aking kalagayan, hindi na sana umabot sa puntong pinapunta ako upang mag-exam. Tatanggapin ko pang dahilan ang sabihin hindi ako nakapasa sa interbyu at exam wag lang sabihing, hindi ko kakayanin ang posisyon dahil sa aking kapansanan. Nakapanlulumong karanasa subalit wala akong karapatang magreklamo. nagsawalang kibo ako, nanatili sa bahay.

Nang matanggap ako sa isang kumpanya, nag-uusap kami ng kasabayan kong empleyado. Nagpustahan kami kung sino sa mga aplikanteng nakapila ang malaki ang tsansang matanggap. Sabi ko, yung maganda at gwapo.....sa huli, tumama ang pusta namin....

Diskriminasyon.