Ang mga usapan isyu ng pagdadagdag sa ating edukasyon ay isang issue that needs a careful assessment before deciding to an actual implementation. There are so many point to talk and discuss about.
Hindi lingid sa atin na sobrang mahal na ang pag-aaral. Madami at dumarami ang mga school youth natin sa bansa gawa ng walang sapat na salapi upang mapag-aral ang mga bata. Sa ganitong sitwasyon, madaming mga bata na sa kanilang musmos na gulang makikita mo ang ilang namumulot ng basura, may ilang nakatutok sa ilong ang nguso ng bote o plastik na may lamang rugby, may ilang sa batang gulang ay namumulot ng basura at ibinebenta ito. Malungkot at nakakaiyak at nakakapagpabagabag mapagmasdan ang mga musmos tuwang tuwa nang nakakahawak ng 5 piso dahil sa pagbebenta ng bote, basura at kung anu-ano pa.
May mga ilan, lalo na ang mga kababaihan ang napipilitang mag GRO, mag dancer, sumayaw sa club, magbenta ng puri at kaluluwa kapalit ng isang gabi ay perang mapagsasaluhan ng kanilang pamilya. Ngayon, mayroon na ring tinatawag na callboy na mga lalaking nagbebenta ng panandalian aliw. Sa ganitong sitwasyon, may mga businessmen na nagtatayo ng mga kumpanyang sa panlabas ay matino subalit pugad ng kalaswaan at bentahan ng laman. Mga aplikante sa ganitong uri ng kumpanya ay ang mahihirap nating kababayan.
Hindi natin maitatago na isa ang kahirapan sa ugat ng problema ng bansa.
Sa pagdaragdag ng taon sa ating edukasyon, unang tututol ang mga magulang at indibidwal na nagpapaaral ng kanilang mga anak, kapatid, o ampon. Para sa kanila, this will add to their burden and they can't able to shoulder another years to sent their scholars in schools that instead to graduate soon is madadagdagan ang ilalagi nito sa paaralan. Habang ito dadagdagan, mag0iisip sila kung saan pa kukuha ng pang-matrikula.
Sa panahon natin ngayon, mahal ang edukasyon, mas mahal pang maituturing ang kindergarten hanggang tumuntong ito sa elementarya. Hindi biro ang magpa-aral sa ngayon. Sa nabanngit na mga pagkakataon, kinakailangan ang masusi at wastong pagdedesisyon.
No comments:
Post a Comment