Search This Blog

Tuesday, August 17, 2010

Ala-alang Nagbabalik - Part II

Hindi komalilimutan ang mga naging karanasan ko noong ako ay nasa Elementarya. Malungkot man o masaya, tahimik man o magulo. 

Masayang balikan ang mga ala-alang naging bahagi ng na iyong buhay. Sinong mag aakalang sa aking sitwasyon ay nakakapaglaro ako ng patintero, taguan, baril-barilan, habulan at kung anu-ano pang larong pambata ng aking kapanahunan. 

Malungkot din naman ang buhay ko sapagkat may mga bagay na hindi ko rin naman kayang gawin. may mga pagkakataon din naman hindi ka isinasali ng mga batang kasing-idad mo kasi sa kalagayan mo At sa mga ganoong pagkakataon ay nagtitiyaga na lamang akong manood sa kanila. May pagkakataong hinahanap ko ang mga oras at minutong libre ang mga kapatid ko upang sa kanila na lamang ako makipaglaro.

Sa ating mundong ginagalawan, hindi natin hawak ang pag-iisip ng ating kapwa. Hindi natin sila pwedeng diktahan sa kung ano ang gusto at ayaw nila. May mga pagkakataong may mga batang pilyo na walang magawa kundi ang mangutya sa kapwa. Naranasan ko ang batuhin, pagtawanan ng kapwa bata. May mga mga pagkakataong naiisip ko, kanino o sino ba ang problema Ako ba'y nakakatawa, nakakainis ba ang ganitong kalagayan. O di kaya naman ay dahil sa maling pag-aaruga ng magulang kung kaya't may mga batang ang tubo ng ugali ay mahirap maunawaan.Tanggap ko ang mga ganong sitwasyon. Hindi ako nag-isip kung papano ako makakaganti sa kanila. Ni hindi ko iniisip na magdamdam. Batid kong ang lahat ay pawang parte ng aking buhay.

Sa aking kalagayan, hindi naging madali ang mga araw na lumilipas.Papano na lamang kung naiihi ako, papano ako pupunta sa aming toilet, o kung matae kaya sa oras ng klase. Sa mga ganyang pagkakataon, wala akong choice kundi ang pigilin ang sarili sa pag-ihi o maging pagtae. Sa maniwala kayo't sa hindi nagawa ko ang mga iyon. 

Taong 1990, nasa ikalawang baitang ako noon ng magkaroon ng napakalakas na lindol na naging sanhi ng paglubog ng HYAT Hotel sa baguio. Nakakatakot ang karanasang iyon. Umaga, habang nagka klase ng maramdaman ng lahat ang paggalaw ng lupa. Patakbong iniutos ng aming guro ang tumakbo sa labas ng building kung saan malayo sa mataas na gusali. ilang sandali pa ay natagpuan ko ang aking sarili na mag-isa sa aking upuan. Pinagmamasdan ko ang dingding sa apat na sulok ng aming kwarto, nakita kong nagbagsakan ang mga libro ng aking guro na nakapatong sa kanyang upuan, ang paggalaw ng mga upuan at ang unti-unting pagkakaroon ng guhit ng dingding na naghihiwalay sa isang bakanteng kwarto. bilang bata na walang muwang sa tinatawag na safety ay hindi ko naisipang yumuko o magtago man lang sa ilalim ng mga upuan. ang tanging nasa isip ko ng mga panahong iyon ay maupo at pagmasdan ang nagaganap. Ilang sandali pa at nakita kong pumasok sa loob ng kwarto ang isa kong kamag-aral. Matangkad at malaking tao ito na para bang nasa kolehiyo na kung iyong mapapansin, pagpasok nya ay binuhat nya ako at inilabas sa loob ng kwarto. Buhat buhat nya ako hanggang sa matapos ang lindol at ibinalik sa loob ng kwarto. 
 

No comments: