Year in, year out. Every year, hindi lumilipas ang pasko na hindi ko kasama ang buong pamilya. Bagama't ang karamihan sa aking mga kapatid ay may kanya-kanya ng pamilya, we see to it that during christmas and new year ay magkakasama kami. Sabay-sabay naming sinasalubong ang pagsilang ni HESUKRISTO. Ganundin naman ang pagpapalit ng taon. Masaya at walang kasing ligaya ang ganong sitwasyon. Simbulo ito ng isang payak at simpleng buhay ng pamilya and I'm so blessed for having a family na mas pinahahalagahan ang magkakasama-sama kami
Before end of 2010, I just wish na sana magkaroon ng kulay ang Paskong darating. Unang buwan palang sa taong ito ng 2010, wala akong wish kundi ang magkaroon ng masayang pasko. I did not expect, but it happened. Bago matapos ang taon, madaming pangyayari ang naganap na nagbigay kahulugan sa aking buhay. Kung bakit ako naririto sa mundong ibabaw. At bago nga matapos ang taon, may mga indibidwal na nakilala ako at naging bahagi ng makulay kong 2010.
Hindi ko malubos maisip kung bakit ang isang totally strangers na mga kaibigan ay makikilala ko...I am really thankful at nakilala ko sila sa mga huling araw ng taong 2010. Sila ay isang malaking instrumento ng isang masaya at makulay kong pasko. Dito ko na-realize, oo nga't masaya ang makapiling ang pamilya sa tulad ng pasko, ay iba rin naman ang kaligayahang makasama mo ang mga kaibigan, kabarkada, katropa, o maging kapartner sa buhay o ang iyong minamahal. Mabigyan ng pagkakataong makilala ang pamilya ng ibang kaibigan ay anong saya. Somehow, nakakarelate ka at hindi mo iisiping nasa ibang tahanan ka sapagkat ang uri ng pamilyang iyong pinuntahan at walang itulak kabigin sa sa sarili mong pamilya. Kumbaga, parang nagkaroon lang ako ng pangalawang magulang at pamilya.
The space of this note is not enough, the letters in the alphabet is also not enough to describe the happiness I felt the time na kasama ko silang lahat. Bagamat, kauna-unahang mag celebrate ng pasko na iba ang kapiling, ay equally fulfilling naman...
With you guys, many thanks. alam nyo na kung sino-sino kayo. I am so very happy that I met you guys. I love you and I am looking forward for more days of camaraderie and fruitful 2011.
I don't know who am I. I don't know what to put in my blog. It's just that I want to share what I have in mind and what I wanted you to know about me. I think it is more fun doing this without limitations and without boundaries. I want you to know that...THROUGH THE YEARS.. This is my life
Search This Blog
Sunday, December 26, 2010
Tuesday, August 24, 2010
A matter of forgiveness and understanding
Monday morning, I was in the office doing some stuffs while, at the same time, had a chance to open my facebook. While browsing, my attention focused on the hostage drama that is happening at the Quirino Grandstand. At first, I ignored all the comments on facebook regarding the scene, but I noticed that this became the talk of the town. The issue on hostage taking reached even my friends in other country, probably because they were watching the news on television.
At 6:30 in the evening, a student from DLSU went to my office to pick me up. He is asking for my help with his lessons and assignments in school. We went in our house using his car and then we go together in my room. I switched on the tv to watch a primetime teleserye, but what flashed in the screen is the hostage drama. I started to watch the scene and can't believe why it took so long before the crime was solved.
Morning after the hostage taking, I have read that Hongkong declared that it is no longer safe to travel in the Philippines. That filipinos are banned to go to their country. Today, someone told me that Hongkong government declared war against Philippines.
I felt sad when I heard all of those news , as if all Filipinos are criminal. I begged to disagree, Filipinos are known for our hospitality. Kind-hearted and God-fearing are the most traits that we filipinos are proud of. On the issue of the hostage drama, I believe that the blame should not be in general. An act of one should not and cannot be an act of all.
Crime is everywhere. There are instances that we filipinos are a victim of a crime. Many filipinos are also killed abroad. Massacre, being jailed, blaming for a crime when, in fact, totally innocent. We are also experiencing such kind of demonic acts.
What we need right now is a total forgiveness and understanding.
I want to share my sympathy and condolences to the family of the deceased Chinese nationals. May they have peace in the eternal life.
Labels:
hostage,
hostage drama,
hostage taking,
quirino grandstand
Thursday, August 19, 2010
Fraternity
Nakapagpapakulo ng dugo ang isang umagang mababasa mo sa mga nangungunang pahayagan at ibang social networks ang pagkamatay ng isang indibidwal dahil sa pagsali sa isang fraternity.
I remember when I was in College, I have friends and classmates who joined the fraternity. Lucky they were kasi they survived and surpassed the trial that they encountered. Nagulat ako one day kasi nakita ko at pinakita sa akin ang epekto ng pamamalo sa kanila during the hazing. tila ito nalalayo sa kulay ng talong na ipiniriot, me pagkakulubot na tila kulay ube na parang nilamutak ang balat. Sa katawan ng isang lalaking patpatin at mahina ang neutralesa, iisipin mo talagang napakaliit ng tsansang mabuhay o malampasan ang hazing.
Ang hazing ay hindi na bago sa isang fraternity. Ito ay tradisyong ipinatutupad ng samahan sa bawat indibidwal na nagnanais na sumali sa grupo. Para itong isang batas, order, code na kailang ipatupad sa lahat ng nag nanais na lumahok o sumali sa kanilang organisasyon. Hindi magiging madali ang pag-uutos na tanggalin ito sa fraternity. Ang ating bansa, halimbawa na lamang, sagana tayo sa iba't ibang uri ng batas, panukala, o ordinansa, subalit nagkakaroon ng mga suliranin sa pagpapatupad ng mga ito. May mga pinuno kasi na walang magawa kundi ang gawin ang sa kanya ay makabubuti instead sa kapakanan ng nakararami. tandaan natin na ang ating mga batas ay nilikha at ipinasa para lamang sa kabutihan ng mas nakararami kaysa ng iilan. gaya ng nabanggit, nagkakaroon lamang problema sa pagpapatupad ng mga ito sapagkat ibang ang pamamalakad ng ilang kawani.
Tulad sa isang fraternity, may mga code of ethics, order, or any codes din ang mga ito na kailangang tupdin at ipatupad sa kanilang samahan. Ang mga ito ay nilikha rin naman para sa mas nakararami. Nagkakaroon lang problema kung ang pinuno ng bawat chapter ay isang indibidwal na walang nasa isip kundi ang iparating na siya ay makapangyarihan, siya ay pinuno. Makasarili ang ganitong pinuno. Kapag ang isang indibidwal ay sumali sa isang fraternity na ang namumuno ay halang at taliwas ang pag-iisip at hindi sumusunod sa mga codes or order of the organization, nagiging sanhi ito ng pagkakaroon ng krimen-ang pagpatay.
The question here is that...sa mga magulang...Dumating na ba sa punto na tinanong ninyo ang inyong sarili bakit kaya napasali sa isang fraternity ang inyong mga anak. Hindi kaya nararapat lamang na busisihin ninyo kahit minsan kung anong uri ng pamilya ang pinatatakbo ninyo. Sa inyo bang tahanan namamahay ang isang masayang samahan ng pamilya, nagmamahalan at nagdadamayan. Hindi natin maiaalis na hindi kaya sumali ang inyong mga anak sa fraternity dahil naghahanap ito ng kalinga, ng kausap, ng pamilyang makakramay sa tuwing sila ay may suliraning dinadala pampersonal man o hindi. At ang tanging naisip upang punan ang kawalang kanyang nararanasan ay ang paglahok sa isang fraternity.
Sa isa namang fraternity, isipin sana natin na tayo ay walang karapatang kumitil ng buhay ng ibang nilalang. tanging ang nasa Itaas lamang ang may karapatang bumawi nito. Kung may mga sinusunod tayong alituntunin, sana naman ito ay napapaloob sa codes na inyong ipinatutupad at huwag lumampas pa upag hindi ito makapagdulot ng panibagong suliranin.

Undefined Impression
I was once asking myself, why our country are so stupid for not able to implement laws, for not able to send in prison those who are law violators? Why there were so many criminals in our country today.
One day, I was able to meet a person. A foreign person who are here in the country to study and earning a degree. He said, "in your country, criminals are everywhere and they can still walk around. go shopping, etc.without having fear to be caught by a military and get punished".
Para sa isang pilipino, isang sampal ang aking narinig sapagkat ganoon ang tingin ng isang banyaga sa atin. Nais nitong iparating na sa ating bansa, nagkalat ang mga kriminal, nagkalat ang mga law violators, subalit nakakalaya ang mga ito. Walang nahuhuli sa kung anomang dahilan ay mahirap matukoy. Sadya bang walang pangil ang ating batas?

Tuesday, August 17, 2010
Discrimination
Minsan sa buhay ng tao ay hindi nating maiiwasan ang tinatawag na disgusto. Ayaw ka ng tao kasi ganito ka, ganito sila at sa kanlang buhay na kinalalagyan, hindi ka nararapat.
Matagal na panahon kong inisip kung bakit may tinatawag na discrimination. Am I a victim of it or it was only due to chance. sa pakikipaglaro, madalas akong hindi isali ng mga kalaro ko sapagkat kung sasali ako at sasama sa isang grupo, asahan na raw ang pagkatalo ng grupo kung saan ako nabibilang sapagkat wala akong kakayahang maipagtanggol at maiangat ang grupo. Totoo at alam ko ang ganung sitwasyon. Lubos kong nauunawaan ang mga bagay na iyon. Ngayon, diskriminasyon bang masasabi ang ganong bagay?
Nang magtapos ako ng Sekondarya, naisip ng aking mga magulang na huminto na lamang sa pag-aaral sapagkat, it is not easy for me to go school without somebody to guide me, without somebody to accompany me in going back and forth to school. One thing is that, buildings of today or in college is composed of so many floors How can I go upstairs, lipat dun, lipat dyan. Hindi madali para sa aking ang ganitong tatahaking buhay sa kolehiyo....Diskriminasyon bang matatawag ang ganong pagkakataon na parang ang isang eskwelahan ay dinisenyo lamang para sa mga normal?
Sa aking determinasyon, ako ay nakapagtapos at sa loob ng apat na taon, nakulong ako sa bahay at apat na sulok ng paaralan nang magtapos ako, nag umpisa na akong maghanap ng trabaho. ang paghahanap ng trabaho ay hindi naging madali para sa akin, noong unang buwan ay nariyan ang mga barkada kong lagi kong kasama sa pag-aaply. Taxi ang madalas sagot sa aming transportasyon. May mga pagkakataong ako lang ang may interbyu subalit nariyan sila upang samahan ako. Magastos sapagkat kailangang sumakay kami ng taxi. Di nagtagal at kanya-kanya silang nakahanap ng trabaho samantalang naiwan ako sa bahay. May mga tawag inbitasyon sa mga interbyu subalit, putol na ang kakayahan ko upang pumuntang mag-isa. wala akong mahingan ng tulong upang samahan ako.
Lumipas ang mga araw at napag-isip kong, sa mundong ito walang mangyayari at di ko alam ang kalalabasan kung diko susubukan, paunti-unti ay sinikap kong sumakay ng jeep ng mag-isa. Lumipas ang mga araw, napansin ko na lamang ang aking sarili na nasa loob ng isang opisina upang sumalang sa screening, interview exam at kung ano pa. Isang buwan ang lumipas, napagod ako sa pag-aaply sa wala. Hindi ko alam kung wala ba talaga akong kakayahan pang maipagmamalaki, kulang pa ba ang apat na taon ko sa paaralan?
Isang bangko ang inapalyan ko, RCBC..pinapunta ako para sa isang interbyu. Pinaunlakan ko ang nasabing interbyu..Pinabalik ako para sa exam...Sa huli ay nalaman ko na lamang n hindi ako tinanggap sapagkat ako daw ay may kapansanan and they would be thinking that I can not be an asset in the company but a liability. Sa aking sariling pananaw, hindi ko alam kung ipinagtatanggol ko lamang ang aking sarili, dapat sana sa interbyu pa lamang sinabi na hindi ako maaring tanggapin dahil sa aking kalagayan, hindi na sana umabot sa puntong pinapunta ako upang mag-exam. Tatanggapin ko pang dahilan ang sabihin hindi ako nakapasa sa interbyu at exam wag lang sabihing, hindi ko kakayanin ang posisyon dahil sa aking kapansanan. Nakapanlulumong karanasa subalit wala akong karapatang magreklamo. nagsawalang kibo ako, nanatili sa bahay.
Nang matanggap ako sa isang kumpanya, nag-uusap kami ng kasabayan kong empleyado. Nagpustahan kami kung sino sa mga aplikanteng nakapila ang malaki ang tsansang matanggap. Sabi ko, yung maganda at gwapo.....sa huli, tumama ang pusta namin....
Diskriminasyon.
Labels:
discriminations,
diskriminasyon,
kakayahan,
trabaho
Employment
The problem regarding the unemployment, underemployment is one among the hot issues of today's generation. Yearly, thousands and thousands of indivuduals are graduationg.
For those who can't afford, they were very much eager to find job the soonest possible time after graduation. Sagot ng mga nagdaang administrasyon at maging nga kasalukuyang administrasyon ay ang pagdaragdag ng trabaho.
It is good and it is beneficial to have more job opportunities so that the graduate can easilty find the job they were looking for and suited to their area of specialization.
In my own opinion, thousands of jobs and vacancies are posted sa jobstreet.com, jobsdb,com, job88DB etc. The only probem na nakikita ko dito is the high standard of qualifications na hinahanap ng mga kumpanya. Hinahanap ng kumpanya ang pinakamagaling at mahusay and they will based it sa exams and interviews. Sa ganyang paraan, kakaunti lamang ang nakakapasok. Sa aking pag-analisa, hindi masasabi ng isang exam at interview ang isang mabuting empleyado. Hindi ibig sabihin na bumagsak ka sa isang exam o di kaya ay interbyu ay hindi ka na magiging mabuting empleyado. Lahat ng job o trabaho ay madaling pag-aralan lalo na kung ito ang linyang kinuha sa kolehiyo. Maaaring sa umpisa ay mangangapa ito subalit darating ang oras na masasabi nyang siya ay bihasa na sa kanyang trabaho.
May mga kumpanyang naglalagay ng adbertismo at sa ads na iyon mababasa ang katagang, "must have at least 3 or more years of experience", "knowledgeable in.."..tapos may pahabol, "newly graduate are encouraged to apply". how come a newly graduate can have that 3 years minimum requirement if they were not given a chance to be part of the company. May mga kumpanaya rin naghahanap ng empleyado, halimbawa, "statistician"....sa pagiging statisitician hinahanp nila ang 3 years experience, must be graduate from ateneo, ust, lasalle, etc..dapat must be good in programming.....sa ating edukasyon, it is not common na kurso ng statistician at hahaluan ng programming...sa ganitong pagkakataon, magtapos man ng statistics ang isang applicant, mayroon mang 3 taong karanansan, kung wala naman siyang alam sa programming, or di kaya experience sa semiconductors company, experience sa manufacturing, sa finance...magiging walang bearing ang pagiging statistician at pagkakaroon ng tatlong taong karanasa.

employment,
karanasan,
qualification,
trabaho,
underemployment,
unemployment
Kahirapan at ang pagsusulong ng K-12 Education System
Ang mga usapan isyu ng pagdadagdag sa ating edukasyon ay isang issue that needs a careful assessment before deciding to an actual implementation. There are so many point to talk and discuss about.
Hindi lingid sa atin na sobrang mahal na ang pag-aaral. Madami at dumarami ang mga school youth natin sa bansa gawa ng walang sapat na salapi upang mapag-aral ang mga bata. Sa ganitong sitwasyon, madaming mga bata na sa kanilang musmos na gulang makikita mo ang ilang namumulot ng basura, may ilang nakatutok sa ilong ang nguso ng bote o plastik na may lamang rugby, may ilang sa batang gulang ay namumulot ng basura at ibinebenta ito. Malungkot at nakakaiyak at nakakapagpabagabag mapagmasdan ang mga musmos tuwang tuwa nang nakakahawak ng 5 piso dahil sa pagbebenta ng bote, basura at kung anu-ano pa.
May mga ilan, lalo na ang mga kababaihan ang napipilitang mag GRO, mag dancer, sumayaw sa club, magbenta ng puri at kaluluwa kapalit ng isang gabi ay perang mapagsasaluhan ng kanilang pamilya. Ngayon, mayroon na ring tinatawag na callboy na mga lalaking nagbebenta ng panandalian aliw. Sa ganitong sitwasyon, may mga businessmen na nagtatayo ng mga kumpanyang sa panlabas ay matino subalit pugad ng kalaswaan at bentahan ng laman. Mga aplikante sa ganitong uri ng kumpanya ay ang mahihirap nating kababayan.
Hindi natin maitatago na isa ang kahirapan sa ugat ng problema ng bansa.
Sa pagdaragdag ng taon sa ating edukasyon, unang tututol ang mga magulang at indibidwal na nagpapaaral ng kanilang mga anak, kapatid, o ampon. Para sa kanila, this will add to their burden and they can't able to shoulder another years to sent their scholars in schools that instead to graduate soon is madadagdagan ang ilalagi nito sa paaralan. Habang ito dadagdagan, mag0iisip sila kung saan pa kukuha ng pang-matrikula.
Sa panahon natin ngayon, mahal ang edukasyon, mas mahal pang maituturing ang kindergarten hanggang tumuntong ito sa elementarya. Hindi biro ang magpa-aral sa ngayon. Sa nabanngit na mga pagkakataon, kinakailangan ang masusi at wastong pagdedesisyon.
Labels:
education,
K-12 education system,
kahirapan,
poverty
Ala-alang Nagbabalik - Part II
Hindi komalilimutan ang mga naging karanasan ko noong ako ay nasa Elementarya. Malungkot man o masaya, tahimik man o magulo.
Masayang balikan ang mga ala-alang naging bahagi ng na iyong buhay. Sinong mag aakalang sa aking sitwasyon ay nakakapaglaro ako ng patintero, taguan, baril-barilan, habulan at kung anu-ano pang larong pambata ng aking kapanahunan.
Malungkot din naman ang buhay ko sapagkat may mga bagay na hindi ko rin naman kayang gawin. may mga pagkakataon din naman hindi ka isinasali ng mga batang kasing-idad mo kasi sa kalagayan mo At sa mga ganoong pagkakataon ay nagtitiyaga na lamang akong manood sa kanila. May pagkakataong hinahanap ko ang mga oras at minutong libre ang mga kapatid ko upang sa kanila na lamang ako makipaglaro.
Sa ating mundong ginagalawan, hindi natin hawak ang pag-iisip ng ating kapwa. Hindi natin sila pwedeng diktahan sa kung ano ang gusto at ayaw nila. May mga pagkakataong may mga batang pilyo na walang magawa kundi ang mangutya sa kapwa. Naranasan ko ang batuhin, pagtawanan ng kapwa bata. May mga mga pagkakataong naiisip ko, kanino o sino ba ang problema Ako ba'y nakakatawa, nakakainis ba ang ganitong kalagayan. O di kaya naman ay dahil sa maling pag-aaruga ng magulang kung kaya't may mga batang ang tubo ng ugali ay mahirap maunawaan.Tanggap ko ang mga ganong sitwasyon. Hindi ako nag-isip kung papano ako makakaganti sa kanila. Ni hindi ko iniisip na magdamdam. Batid kong ang lahat ay pawang parte ng aking buhay.
Sa aking kalagayan, hindi naging madali ang mga araw na lumilipas.Papano na lamang kung naiihi ako, papano ako pupunta sa aming toilet, o kung matae kaya sa oras ng klase. Sa mga ganyang pagkakataon, wala akong choice kundi ang pigilin ang sarili sa pag-ihi o maging pagtae. Sa maniwala kayo't sa hindi nagawa ko ang mga iyon.
Taong 1990, nasa ikalawang baitang ako noon ng magkaroon ng napakalakas na lindol na naging sanhi ng paglubog ng HYAT Hotel sa baguio. Nakakatakot ang karanasang iyon. Umaga, habang nagka klase ng maramdaman ng lahat ang paggalaw ng lupa. Patakbong iniutos ng aming guro ang tumakbo sa labas ng building kung saan malayo sa mataas na gusali. ilang sandali pa ay natagpuan ko ang aking sarili na mag-isa sa aking upuan. Pinagmamasdan ko ang dingding sa apat na sulok ng aming kwarto, nakita kong nagbagsakan ang mga libro ng aking guro na nakapatong sa kanyang upuan, ang paggalaw ng mga upuan at ang unti-unting pagkakaroon ng guhit ng dingding na naghihiwalay sa isang bakanteng kwarto. bilang bata na walang muwang sa tinatawag na safety ay hindi ko naisipang yumuko o magtago man lang sa ilalim ng mga upuan. ang tanging nasa isip ko ng mga panahong iyon ay maupo at pagmasdan ang nagaganap. Ilang sandali pa at nakita kong pumasok sa loob ng kwarto ang isa kong kamag-aral. Matangkad at malaking tao ito na para bang nasa kolehiyo na kung iyong mapapansin, pagpasok nya ay binuhat nya ako at inilabas sa loob ng kwarto. Buhat buhat nya ako hanggang sa matapos ang lindol at ibinalik sa loob ng kwarto.
Saturday, August 14, 2010
Ala-alang Nagbabalik - part 1
I still remember when I was a child. I have so many dreams and aspirations in life. Sa batang gulang ay pinangarap ko ang matatayog na ambisyon sa buhay - maging isang mayaman.
Salat sa karangyaan, sakdal daming pangangailangan ang natutulak sa akin upang mag-ambisyong yumaman. Nakakainggit pagmasdan ang mga batang naglalaro sa kalsada, madaming laruan, my bisikletang maliit, o kaya ay kotseng laruan, maya't mayang pagkain ng chichiria. Tila ako'y natatakam sa ganitong uri ng aking mga nakikita.
Lumipas ang panahon at tumuntong ako ng elementarya, excited ako sa aking unang araw. Masaya sa pakiramdam na makita ang sarili sa loob ng paaralan.
Inihatid ako ng aking tatay sa loob ng room ng aking nanay. Grade six public school teacher and aking inay ng panahong iyon. Sa room na yun, hihintayin ko ang flag raising ceremony. Hihintayin ang paglilinis ng ginagawa ng mga mag-aaral sa harapan ng kanilang rooms at maging sa likuran. Bago kasi mag-umpisa ang unang aralin ay naglilinis muna ang mga bata sa loob ng kani-kanilang room, sa likod at sa harap nito upang pagdating ng unang lesson ay malinis ang kapaligiran.
Kapag mag-uumpisa na ang unang lesson, inihahatid na ako ng aking inay sa room ng grade 1. Mula sa kanyang room ay nakakapit ako sa kanyang likuran habang palakad sa aking room. Doon ay iniiwan na ako hanggang sa tanghaling uwian. Pagdating naman ng reses, dadalhan ako ng aking inay ng isang citrus, o di kaya ay banana que, o di kaya'y sopas. Depende sa aming kantin kung anong tinda at kung anong mura. Madalas ay citruso dalandan ang reses ko at kuntento na ako dun. Minsan naman wala akong reses pero okay naman sakin yun...walang problema.
Pagsapit ng alas-dose, maririnig ko naman ang motor ng aking tatay na susundo naman sa amin pauwi ng bahay. Pagdating sa bahay ay manananghalian na kami. Mamamahinga at makikinig ng radyo ng mga 30 minutos...Naalala ko DZRH pa ang pinakikinggan namin. Programa tulad ng "ito ang inyong tiya delly", "Kapitan pinoy" at iba pang palabas pang-radyo.
Pagkatapos nuon ay maghahanda uli sa pagpasok. After lunch, diretso na akong hinahatid ng aking itay sa aking room at don ay iniiwan na. susunduin na lamang ako sa hapon.
Payapang buhay. simpleng simple ang unang pagtuntong ko sa paaralan....
Friday, August 13, 2010
Graduation
Limang Taon.
Matagal na panahon narin ang lumipas mula ng magtapos ako sa kolehiyo sa kursong Bachelor in Applied Statistics. Sa loob ng apat nataong pananatili ko sa loob ng apat na sulok ng paaralan ay wala akong ginawa kundi ang mag-aral...Mag-aral..at mag-aral.
Halos apat na taon akong nagtiis na wala akong ginawa kundi ang pumasok sa paaralan at umuwi ng bahay. Ibinuhos ko ang buong panahon ko sa ganong sitwasyon. Nakalimutan ko ang social aspect ng pagiging isang malayang indibidwal. Madalas ang yaya sa akin ng aking mga kamag-aral na gumimik man lang daw kasama sila, subalit ng mga panahon iyon ay wala akong lakas ng loob na paunlakan ang anumang inbitasyon, sapagkat para sa akin mahalaga ang pag-aaral at kakapusin ako sa oras ng pag rereview. Nakakahiya naman sa klase kung tawagin ako at walang maisagot.
Huling semester ng muli ay may lakad ang mga barkada, mga kaklase. Sapagkat tapos na halos ang mga schedule sa midterms and kung ano pang exams ay nasipan kong magpaunlak.
hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko kasama ang mga kaklase ko. Lahat sila ay pawang tuwang-tuwa rin na ako ay kanilang kasama. May umiintidi kung gusto ko na bang kumain habang sila ay nagkakatuwaan sa paliligo. May mga nagtatanong kumusta daw ang pakiramdam ko sa pagsama sa kanila. Wala akong maisagot kung isang ngiti. Isang ngiti na may kaunting pagsisisi na kung alam ko lang na ganun pala kasaya ang kasama mo ang mga kaibigan mo ay sana nuon pa ako naki-join sa kanilang mga lakad.
Dumating ang araw ng pagtatapos sa kolehiyo, ang lahat ay masaya at pawang excited. Lahat ay all eyes and ears sa taong tagapag-salita. Naghihintay ng basbas upang ipagsabing kami ay graduate na.
Nag-umpisa na ang tagapagsalita. Kalaunan ay tinatawag na ang mga pangalan ng mga magtatapos. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Kaba sapagkat iniisip ko kung papano ako makaka-akyat sa entablado. Baka ako pa ang pagmulan ng abala o delay sa pag-akyat ng mga kapawa magsisipagtapos. Nakakahiya. Dumating sa punto na ang mga nasa aming kurso na ang tinatawag. Bago pa man dumating sa punto na apelyido ko na ang tatawagin ay nilapitan na ako ng ibang mga dekana na mauna ng umakyat sa entablado at maupo na muna sa likod ng nito. Hintayin ko na lang daw ang pangalan ko at tatayo nalang ako sa gitna.
Dumating ang pinaka-aabangan ko. Sa Wakas, ito na ang pagkakataong maipakita ko sa kapwa ko magsisipagtapos na ang katulad ko ay may maipagmamalaki din naman. Sa Wakas maipakikita ko sa aking mga magulang at lahat ng mga magulang na lumahok na tinatanggap ang diploma ng aking pagsisikap. Isang papel na magpapatunay na hindi nagsayang ang aking magulang upang ako mapag-aral.
Tinawag ang pangalan ko. lahat ay tumahimik ng walang dahilan. Nawala pansumandali ang bulungan ng mga magkakatabi. Marahil, ito ay dahil sa nakikita nila sa harapan-isang pilay. Mula sa aking likuran ay nakapila na rin ang iba pang tinawag.
Kinuha ko ang diploma sa aming dekana. Nakatalikod at ngiti ang tanging naibigay ko. Pagkatapos noon ay nagulat ako sapagkat ang mga kapwa ko magsisipagtapos, mga magulang, mga guro at professor, at lahat ng empleyado sa Paaralang aking pinagtapusan ay nagsitayuan at nagsipalakpakan. Pagbaba ko ng entablado ay sinalubong ako ng mga dekana upang i-congratulate ako at kamayan.
Masaya. walang pagsidlan ang kaligayahang aking naramdaman ng ako ay magtapos
Subscribe to:
Posts (Atom)